Sunday, June 13, 2010

Ang buhay ay isang pagpapasiya

* Day 13 — A fictional book
Photo by: Kang of gmanaligod.tumblr.com

Inakala ko na ang pag-aaral ay natatpos na sa paghawak at paghagis paitaas ng diploma pagkatapos ng seremonya. Hindi pa pala. Ang nobelang ito ay ngamulat sa akin na palawakin ang aking pananaw sa larangan ng buhay, na ang buhay ang totoo at pinakamalaking paaralan. May eksaminasyon din ang buhay, hindi tulad ng sa paaralan, ibinibigay muna ang eksam bago mo matutunan ang leksiyon.


“Mag-aral kayo dahil kailangan ng talino. Ituwid niyo ang mga paliwanag na hindi mo matanggap, Dahil hindi lahat ay alam ng titser, tulad din hindi ay masasagot ng isang ina ”-Lea Bustamante, Bata Bata Paano ka Ginawa, ni Lualhati Bautista.


Talaga ngang buhay ang tunay na unibersidad. Yes or no lang ang buhay, ang mahusay na pagpili sa isa sa dalawang sagot ang puhunan natin. Maaring sa lahat ng mga pinili nating sagot na nagdudulot ng saya o hindi rin naman ay kalungkutan. Depende iyon kung matututo tayong isakripisyo and dapat isakripisyo. Hindi lahat ng mga araw ay puno ng kaligayahan o kalungkotan. Lahat ng mga araw, oras at taong inilagi natin sa mundong ibabaw ay bunga ng ating mga pagpapasiya.

0 comments:

Post a Comment

Instagram