Tuesday, May 11, 2010

Eleksyon 2010

Mahinang pumapatak ang ulan ng ako ay nagising sa aking pagkakahimbing. Sarap na sarap kong pinapapak ang piniritong pusit na daing na sa agahang handa ng ina sa akin. Sa malamig na suimoy na hangin tiniis ko ginaw na dulot ng tubig na siyang pinangligo ko. Sa bawat pagbuhos nito ang kaba ay unti-unting namumuo. Suot ang pantalon, kayumangging polo at lumang rubber shoes ay binagtas ko ang daan na kung saan ako boboto. Umaambon kaya'y ako ay medyo nabasa. Hindi gaanong marami ang mga naghahanap ng kanilang presinto. Ako namay alam na dahil sa precinct finder ng COMELEC sa Internet.



Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay hindi ko inalintana ang lamig na dulot ng nahuhuog na ulan, ngunit ang inip at pagkabagot ay siyang nagudyok sa akin upang umalis sa pilang pinilahan. Sumugod ako sa mahinang pag-ambon at nagtungo sa bulwagan ng presinto kung san ang mahinang pagsigaw ng matabang mama ay siyang naririnig kasama ng mga patak ng ulan sa bubong ng silid. Ang sigla ay nagbalik ng malapit ng matawag ang numerong hawak ngunit anfg inis ay nagbalik dahil sa mga taong sumisingit. Nang ako ay pumasok sa silid, inis kong nararamdaman ay napalitan ng kaba. Sapagkat balota ay na sa mga kamayng nanginginig ng konti. Hindi ko nasunod ang nailista sa listahang hinanda. Ang kabang nanaig baka ang balota'y iluwa ang siyang sigurong dahilan kunga bakit listahan ay kinaligtaan. Matapos ang tinta'y sa mga kuko'y naipinta, ang galak at sayang nadarama ay hindi maekspleka. Parang pagka-Pilipino koy nabuo na. Hindi man manalo ang binuto ko, at least gumawa ako ng paraan upang makamtan ang pagbabagong inaasam.

Instagram