On Repeat Button: Candles by Glee Cast

11:59:00 PM

On Repeat Button: Candles by Glee Cast
Hindi ko na ipipilit, pero alam kong bawat araw ay isang simulain upang harapin ang mga bawat bagay na kinakakatakutan mong gawin. Takot akong magmahal. Oo, takot yung naramramdaman ko sa tuwing siya ang kaharap, takot na kung saan ang kasiguruhang nais kong makita ay isang refleksyong kailanman ay hindi maaaninag. Hahayaan ko na lang na maramdaman ko na ako ay nagmamahal kahit ito ay hindi suklian, sapagkat sa tingin ko hindi naman kinakailangan ng sukli kapag nagbabayad ka ng pag-mamahal. Sa bawat umagang babangon ako sa aking kinahihigaan, sisiguraduhing ko sa pagbalik sa malambot kong unan ay napagtanto kong ako ay nagmahal, nagmahal na walang kapalit, ng walang pag-aalinlangan.

You Might Also Like

0 comments